SOFI FINANCING INC. operating under the name of finbro.ph
MGA TUNTUNIN AT KONDISYON NG PAGGAMIT NG SITE

Sa paggamit, pag-access, o pag-browse sa SOFI Financing INC. (ang “Corporation”) Website (ang “Site”) na available, mobile application, o iba pang kaugnay na digital medium o media (sama-samang tinutukoy bilang ang “Sites”), kinukumpirma mo na nabasa at naintindihan mo ang mga Terms and Conditions of Use (“Terms and Conditions”) at ang Privacy Policy (“Privacy Policy”) at sumasang-ayon kang masaklawan ng mga ito.

Ang mga users ng Sites ay kinakailangang maingat na basahin, unawain, tanggapin at masaklawan ng mga probisyon na nakasaad sa mga Terms and Conditions na ito at sa Privacy Policy.

ELIGIBILITY

Ang Site na ito ay inilaan lamang para sa mga Indibidwal na hindi bababa sa dalawampung (20) taong gulang, may maayos na credit standing, at may legal capacity upang pumasok sa mga binding agreements, partikular ang pag-avail ng mga produkto at/o serbisyo na inaalok ng Corporation sa pamamagitan ng Site/-s.

Sa pag-request ng services na inaalok, gayundin sa paglikha at pagpapanatili ng account sa Site/-s, kinakatawan at pinatutunayan mo na natutugunan mo ang mga eligibility requirements na nabanggit sa itaas.

Pinahihintulutan mo rin ng hayagan ang Corporation na gamitin ang lahat ng kinakailangang paraan upang i-verify ang iyong identity at eligibility sa mga serbisyo (kabilang ang pag-share ng impormasyon — personal at non-personal — na iyong ibinigay) sa anumang third-party service provider (controller man o processor ng personal information), kabilang nang walang limitasyon ang mga credit reference bureaus (kabilang ngunit hindi limitado sa TransUnion; CIBI Information, Inc. at iba pa). Karagdagang impormasyon tungkol sa processing ng personal information ay makikita sa aming Privacy Policy.

REGISTRATION AND APPLICATION

Sumasang-ayon ka na magbigay ng totoo, kasalukuyan, kumpleto at tumpak na impormasyon tungkol sa iyong sarili sa registration o application form na kinakailangan upang maka-avail ng mga produkto at serbisyo na inaalok ng Corporation sa pamamagitan ng Site/-s. Kung ang anumang impormasyon na iyong ibinigay ay hindi totoo, hindi tama, hindi napapanahon, o hindi kumpleto, ang Corporation ay may karapatan na kanselahin ang iyong registration, i-reject ang anumang application na iyong naisumite, at limitahan ang iyong paggamit sa Site/-s pati na rin ang mga produkto at serbisyo ng Corporation.

May karapatan din ang Corporation na kanselahin ang iyong registration, i-reject ang iyong application, at limitahan ang iyong future use ng Site/-s at mga produkto at serbisyo ng Corporation para sa kahit anong dahilan nang hindi kinakailangang magbigay ng paliwanag.

AUTHORIZATION / SPECIAL POWER OF ATTORNEY

Pinahihintulutan at itinalaga mo ang Corporation bilang iyong authorized representative at attorney-in-fact upang humiling, kumuha, makatanggap, magpanatili, at i-process ang lahat ng personal information na hawak o itinatago ng mga third parties tungkol sa iyo (halimbawa: iyong personal information, iyong mga transaksyon at interactions, at anumang impormasyon na iyong naibahagi o naibigay sa mga data controllers (“Third Parties”), alinsunod sa applicable law. Karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng personal information na pinoproseso ay nakasaad sa Privacy Policy ng Corporation. Ang impormasyong makukuha mula sa mga Third Parties ay magiging bahagi ng iyong profile para sa mga layuning nakasaad sa Privacy Policy.

Nang hindi nililimitahan ang nasa itaas, kabilang dito ang authority para sa Corporation na kunin ang personal information na nakasaad sa Privacy Policy direkta mula sa iyo o mula sa mga Third Parties sa oras ng registration, at paulit-ulit kahit pagkatapos nito.

Ipinatutunayan mo rin na nabasa mo ang Privacy Policy ng Corporation, nauunawaan ang mga terms nito, at sumasang-ayon sa mga ito.

Sa paggamit, pag-access, o pag-browse ng Site/-s ng Corporation, kinukumpirma mo na nauunawaan at tinatanggap mo na ang lahat ng personal information na matatanggap sa panahon o pagkatapos ng registration ay gagamitin sa paglikha ng iyong user account sa Site/-s para sa mga layuning nakasaad sa Privacy Policy.

Kung hindi ka sumasang-ayon o may alinlangan sa anumang probisyon ng Authorization and Special Power of Attorney kaugnay ng scope, coverage, o purpose nito, mangyaring huwag gamitin ang Site/-s na ito.

ACCOUNT SECURITY AND RESPONSIBILITY FOR ACCOUNT

Kinilala mo na bagama’t ang Corporation ay nagpatupad ng sapat na safeguards gaya ng hinihingi ng Data Privacy Act of 2012 at iba pang applicable laws, ang Corporation ay hindi nagbibigay ng anumang garantiya o warranty kaugnay ng security ng iyong account maliban kung kinakailangan ng batas. Nauunawaan mo na ibinibigay mo ang iyong Personal Information sa iyong sariling pananagutan.

Ikaw lamang ang may pananagutan sa pagpapanatili ng pagiging kumpidensyal ng iyong username, password, account at anumang iba pang log-in o authentication at validation information na iyong nilikha o ibinigay sa Site/-s (“User Credentials”). Sumasang-ayon ka at kinukumpirma na ang anumang paggamit ng iyong User Credentials ay ipagpapalagay na access na ginawa mo at, kung ng isang third party man, ito ay may iyong pahintulot at awtoridad. Anumang aktibidad o transaksyon na nagawa gamit ang iyong User Credentials ay ituturing na valid at binding transactions na ginawa mo mismo.

Kung may unauthorized na paggamit ng iyong account o breach sa security nito, nangangako kang agad na ipagbigay-alam sa Corporation ang kaugnay na pangyayari. Ang Corporation ay hindi mananagot para sa anumang loss na maaari mong maranasan bilang resulta ng paggamit ng ibang tao sa iyong account o User Credentials, may kaalaman ka man o wala, at ikaw ay maaaring managot sa losses na maaaring maranasan ng Corporation dahil sa paggamit ng third party ng iyong account o User Credentials.

RESTRICTIONS ON USE

Sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng applicable terms and conditions, batas, at regulasyon sa iyong paggamit ng Site/-s, mga produkto, at serbisyo nito. Dagdag pa rito, sumasang-ayon ka na hindi mo gagawin ang alinman sa mga sumusunod:

a. Humingi ng passwords o personally identifiable information para sa komersyal o ilegal na layunin, o mag-post o magpakalat ng anumang unsolicited o unauthorized advertising, solicitations, promotional materials, o anumang ibang uri ng solicitation

b. Mag-post o gumawa ng publicly available sa Site/-s ng anumang personal o financial information ng third party;

c. Gamitin ang Site/-s o ang aming mga produkto at serbisyo sa anumang paraan na maaaring makasira, maka-disable, mag-overburden o makapagpahina sa Site/-s, kabilang ngunit hindi limitado sa pagpasok ng software viruses o anumang iba pang computer code, files o programs na dinisenyo upang pigilan, sirain o limitahan ang functionality ng anumang computer software o hardware o telecommunications equipment;

d. Gamitin ang Site/-s at/o ang nilalaman nito sa anumang paraan at para sa anumang layuning ilegal o ipinagbabawal ng mga Terms and Conditions na ito, o para humikayat sa paggawa ng anumang ilegal na aktibidad o iba pang aktibidad na lumalabag sa karapatan ng Corporation o ng iba.

NO WARRANTY; ERRORS

Ang mga produkto at serbisyo sa Site/-s ay ibinibigay “as is” at nang walang anumang representasyon o warranty. Sa pinakabinibigyang-luwag na lawak na pinahihintulutan ng applicable laws, tinatanggihan ng Corporation ang lahat ng ganitong warranties, express man o implied, kabilang ngunit hindi limitado sa warranties of merchantability, fitness for a particular purpose, non-infringement, accuracy, freedom from errors, suitability of content, availability, payment o realization ng mga transaksyon.

Hindi ginagarantiyahan o ipinapangako ng Corporation ang anumang specific results mula sa paggamit ng Site/-s at ng mga produkto at serbisyo nito.

CONTRACTS AND AUTHORIZATIONS

Ang iyong paggamit at pag-avail ng mga produkto at serbisyo sa Site/-s ay maaaring nakadepende sa iyong pagsang-ayon sa ilang contracts at authorizations. Sa pagsasagawa ng iyong consent at permissions doon, kinikilala at sinasang-ayunan mong masaklawan ng mga terms and conditions ng mga iyon, at ang mga contracts at authorizations na iyon ay ituturing na validly at voluntarily executed ng iyong sarili. Sa iyong kahilingan, maaaring magbigay ang Corporation ng electronic copies ng mga nasabing dokumento.

TERMINATION

Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang Corporation ay may karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na i-delete ang iyong account at data na naka-maintain, limitahan ang iyong access dito, at tapusin ang anumang relasyon sa iyo para sa anumang dahilan.

Ang termination ng iyong access at paggamit ng Site/-s at/o mga serbisyo ng Corporation ay hindi mag-aalis ng anumang obligasyon na nabuo o naipon bago ang termination o maglilimita ng anumang liability na maaaring mayroon ka sa Corporation o sa anumang third party.

LIMITATION OF LIABILITY

Sa pinakalawak na lawak na pinahihintulutan ng applicable law, sa anumang pagkakataon ay hindi mananagot ang Corporation, mga direktor, opisyal, kinatawan, ahente, empleyado o asignado nito para sa anumang direct, special, indirect o consequential damages, o anumang ibang uri ng pinsala, kabilang ngunit hindi limitado sa loss of use, loss of profits o loss of data, maging sa aksyon kontraktwal, tort (kabilang ngunit hindi limitado sa negligence) o kung hindi man, na nagmumula o may kaugnayan sa paggamit o kawalan ng kakayahang gamitin ang Site/-s, kabilang ngunit hindi limitado sa anumang damages na dulot o nagresulta mula sa pag-asa ng user sa anumang impormasyon na nakuha mula sa Site/-s, o na nagresulta mula sa mga pagkakamali, omissions, interruptions, deletion ng files o email, errors, defects, viruses, delays sa operation o transmission o anumang failure of performance. Hayagan mong sinasang-ayunan na ang iyong paggamit ng Site/-s ay nasa iyong sariling panganib.

Ang Corporation, mga direktor, opisyal, kinatawan, ahente, empleyado o mga asignado ay hindi mananagot sa iyo para sa anumang loss o damage na maaari mong maranasan bilang resulta ng pagiging user ng Site/-s, maliban kung ang nasabing loss o damage ay nagmumula sa breach ng Corporation sa mga Terms and Conditions na ito o dulot ng gross negligence, willful default, o fraud ng Corporation o ng mga empleyado nito. Ang Corporation ay hindi rin mananagot para sa anumang breach ng Terms and Conditions na ito na dulot ng mga pangyayaring hindi makatwirang kontrolado ng Corporation.

LIABILITY FOR BREACH

Ikaw ay mananagot para sa anumang loss o damage na mararanasan ng Corporation at/o ng mga kliyente nito at/o ng mga users ng Site/-s bilang resulta ng:

a. Iyong paglabag sa mga Terms and Conditions na ito o anumang kasunduang iyong pinasukan kaugnay ng services ng Site/-s;

b. Iyong fraudulent na paggamit ng Site/-s; at

c. Iyong pagbibigay ng hindi tama, mali o fraudulent na datos.

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS

Ang Corporation ang may-ari o may wastong lisensya, kung naaangkop, sa lahat ng intellectual property rights sa Site/-s, content, at lahat ng publikasyon na naroon.

Ang anumang paggamit ng Site/-s o registration dito ay hindi maaaring ituring bilang legal na batayan para sa paglipat ng anumang uri ng intellectual property rights o licensing nito. Ang lahat ng trademarks, pangalan, at visual at textual content na pag-aari ng Corporation ay maaari lamang gamitin kapag may naunang nakasulat na awtorisasyon mula sa Corporation.

Ang Corporation ay may karapatan na magsagawa ng anumang kinakailangang legal action at gumamit ng mga nararapat na remedyo kaugnay ng anumang paglabag sa kanyang intellectual property rights, alinsunod sa applicable law.

CHANGES TO TERMS AND CONDITIONS

Ang mga Terms and Conditions na ito ay maaaring baguhin anumang oras at ayon sa pagpapasya ng Corporation nang hindi kinakailangang magbigay ng abiso sa iyo. Ang anumang at lahat ng pagbabago ay ilalathala sa Website at magiging epektibo sa oras ng publication ng updated version ng Terms and Conditions at/o anumang kaugnay na notice, kung naaangkop. Ang anumang karagdagang paggamit mo ng Site/-s at/o services ng Corporation matapos mailathala ang updated na Terms and Conditions ay ituturing bilang pagtanggap sa updated Terms and Conditions.

LENDER’S AUTHORIZATION

Sa pagtanggap sa mga Terms and Conditions na ito, nauunawaan mo na tinatanggap mo ang panganib ng posibleng non-issuance ng loan at/o non-delivery ng anumang ibang serbisyo ng Corporation. Ang Corporation ay maaaring, kung naaangkop, i-assign ang anumang loan (kabilang ang loan na nasa default) sa ilalim ng applicable loan document, sa isang third party.

Alinsunod sa nabanggit, at kung naaangkop sa pagkakataon na ang isang loan at/o partikular na serbisyo ay na-issue o na-deliver sa iyo ng Corporation, hayagan mong pinahihintulutan at itinalaga ang Corporation bilang iyong authorized representative at attorney-in-fact para i-assign, ibenta, i-transfer o kung hindi man ay i-dispose/ i-assign ang loan o anumang ibang obligasyon, karapatan at pananagutan sa isang third party, pati na rin ang lumikha ng security in o over anumang karapatan o obligasyon. Ang Corporation ay hindi kinakailangang ipaalam ito sa iyo at i-c-credit lamang ang unpaid principal, interest, at penalties sa iyong account on record.

MISCELLANEOUS

Kung sakaling ang anumang probisyon ng Terms and Conditions na ito ay mapagpasyahan ng anumang may karapatang awtoridad na hindi maipatutupad o invalid, ang nasabing probisyon ay babaguhin upang payagan itong maipatupad ayon sa intensyon ng orihinal na teksto sa pinakabinibigyang-luwag na lawak na pinahihintulutan ng applicable law. Ang bisa at pagpapatupad ng natitirang mga probisyon ng Terms and Conditions na ito ay hindi maaapektuhan.

Sumasang-ayon ka na ang lahat ng dokumento o notices ay maaaring ipadala sa iyo sa iyong residential address o electronically, sa pamamagitan ng iyong e-mail address at/o phone number na ibinigay sa registration, at/o sa iba pang methods na napagkasunduan ng parehong panig. Kaya kinikilala at inaako mong responsibilidad na ikaw ang dapat mag-update sa Corporation ng iyong kasalukuyang residential at e-mail address pati na rin telephone number, at ang Corporation ay hindi mananagot sa anumang claim ng pagkawala o pinsala dahil sa hindi pagkakatanggap ng nasabing notice.

Alinsunod sa applicable law, lahat ng disclaimers, indemnities at exclusions sa Terms and Conditions na ito ay mananatiling umiiral kahit matapos ang termination ng kasunduang ito.

Ang hindi pagsasagawa o ang partial exercise, o ang pagkabigo o pagkaantala sa pagsasagawa ng anumang right, power o remedy ng Corporation ay hindi ituturing na waiver ng Corporation ng anumang right, power o remedy, o pipigil o maglilimita sa anumang karagdagang exercise nito alinsunod sa Terms and Conditions na ito o kung hindi man.

Maliban kung hayagang pinayagan sa pamamagitan ng nakasulat na kasunduan, ang mga Terms and Conditions na ito ang bumubuo ng buong kasunduan sa pagitan mo at ng Corporation kaugnay ng iyong paggamit ng Site/-s at pumapalit sa anumang representations, komunikasyon at mga naunang kasunduan (nakasulat o berbal) na ginawa mo o ng Corporation.

Ang Terms and Conditions na ito ay nasasaklawan at binibigyang-kahulugan alinsunod sa batas ng Pilipinas. Ang lahat ng bagay, claims o disputes na nagmumula o may kaugnayan dito ay saklaw ng exclusive jurisdiction ng mga korte ng Taguig City.

ACCEPTANCE

Kinukumpirma kong aking nabasa, naunawaan, at sumasang-ayon sa Terms and Conditions at Privacy Policy na nakasaad sa itaas. Sa pagtanggap sa mga Terms and Conditions na ito, pati na rin sa Privacy Policy, ipinahahayag mo ang iyong malinaw na consent alinsunod sa Republic Act No. 10173, na kilala bilang Data Privacy Act of 2012 at mga Implementing Rules and Regulations nito, maging ang iba pang applicable confidentiality at data privacy laws ng Pilipinas. Sumasang-ayon ka ring panatiling free and harmless ang Corporation, mga opisyal, directors, stockholders at mga empleyado nito mula sa anumang liabilities, damages, actions, claims, at suits kaugnay ng implementation o processing ng personal data kaugnay ng consent o authorization mo sa ilalim ng mga Terms and Conditions na ito.